Sabi nila wag daw kita gawing sentro ng mundo ko, dahil di sa lahat ng panahon ay ikaw ang kasama ko. Pero di ko magawa dahil sa mga pagkakataong sinusubukan ko ay lalong sumasakit ang marka sa puso kona palatandaan ng pag ibig ko sayo. Gusto ko na ding itigil to ... gusto ko nang itigil ang kahibangan ko na to dahil sa tuwing ikaw ang ginagawa kong sentro ay hilong hilo ako nakalilimutan ko na pati ang pangalan ko dahil ang alam ko nalang ay ikaw at ako na alam ko namang hindi mangyayari dahil iba ang nasa puso mo ... pag ikot ng mundo ko sayo ay nawawalan ng kwenta dahil iba ang laman ng puso mo ... ng puso mo na ang laman ay sya at hindi ako..